puNchLiNe I got this stuff from bea...I really like it...Hope you do...Coz it relates to all of us...mabuhay ang pagiging punchline!!!...kilala na kita isang totoong
blue! Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo, diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. 'Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Maraming rason. 'Di mo na kaya pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal pero ok lang. Teka, ano nga ba talaga?
May kaibigan ako, ang sabi niya, "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi Cum Laude ang standing niya. Pero dumating ang panahon, na-inlove ang hunghang at yon, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan nagiging moron lang. Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay, nababaliktad niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas ang mga bagay na madalas ay malambot!)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa taong ayaw na magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-inlove ulit, sabihin mo lang ang mga magic words na “Ayoko ng ma-inlove!” Biglang WACHA! Ayan na siya, nang-aasar na naman at nagpapaasar ka naman.
‘Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, parang ang galing-galing mo. Pero kapag problema mo na yung pinag-uusapan, parang nawalan ng saysay ang ipinayo mo sa namomroblemang tao. Naisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo pero bakit wala ring tama? Bali-baliktad din ang mga nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig, “Ngayon ko lang nalaman, ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay! Pwede na akong mamatay! Now na!”
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam na man nilang masasaktan sila, eh, nagpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ako sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader iyon at pagbabagsak ng pinto.
Ang labo talaga!
Mauubos ang magdamag ko kakasabi ng mga bagay-bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Ang daming beses ko na siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ako.
Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinaka nakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil sigurado, ikaw ang punchline.
Nakakatawa, no?
Nakakaiyak.
listenin': stickwitu-tpd
mood: ewan ang gulo-horcrux- logout;.
{/.5:12 PM}